LAOAG CITY – Mahigit 50 kasapi ng Provincial Mobile Force Company ng Ilocos Norte Police Provincial Office ang nakatakdang ipadala sa Batangas para tumulong sa mga apektado ng pagputok ng Bulkang Taal.
Ayon kay P/Lt. Col. Marlouise Bondoc, force commander ng PMFC, ang nasabing hakbang ay utos mismo ng higher office ng PNP.
Sinabi ni Bondoc na maliban sa PMFC ay mayroon pang kasapi ng PNP mula sa iba’t-ibang police stations sa lalawigan na kasama nilang i-deploy sa Batangas sa lalong madaling panahon.
Sa ngayon, inihayag ng opisyal na hinihintay na lamang nila ang go signal ng higher office kung kailan sila babiyahe patungong Batangas.
Samantala, inihahanda na rin ng PNP-Ilocos Norte ang mga relief goods na dadalhin nila para sa mga biktima ng pagputok ng Bulkang Taal sa Batangas.