DAVAO CITY – Pinayuhan ng City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC) ang mga nagmamay-ari ng establisyemento nitong lungsod na magsagawa agad ng pagsusuri matapos ang nangyaring magnitude 5.9 na lindol pasado alas-9:000 kagabi kung saan sentro ang Kadingilan sa Bukidnon province.
Una nito, agad na nagsilabasan sa mga establisyemento ang mga tao matapos maranasan sa lungsod ang intensity 4 kasabay ng lindol.
Muli namang bumalik sa mga itinayong mga tent ang mga residente sa Davao del sur na una ng bumalik sa kanilang mga bahay dahil sa takot na muli na naman na maranasan ang malakas na pagyanig.
Samantalang walang inilabas na kautusan ang lokal na pamahalaan na magpatupad ng suspensiyon sa klase ngayong araw.
Una ng inihayag ni Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), na walang aasahan na pinsala ang nasabing pagyanig ngunit patuloy na mararanasan ang mga aftershocks.