-- Advertisements --
Itinigal na ng ilang mga radio stations sa Canada at Netherlands ang pagpapatugtog ng mga kanta ni Michael Jackson.
Ito ay kasunod ng pagpapalabas ng documentary film patungkol sa pang-aabuso ng king of pop sa mga kabataan.
Sa inilabas na “Leaving Neverland” na inilantad ng dalawang lalaki na sila inabuso noong sila ay pito at sampung taong gulang pa la mang noong dekada 90.
Nakapanayam din ni Oprah Winfrey ang dalawang lalaki na sina James Safechuck at Wade Robinson at ibinunyag ang nasabing insidente.
Inamin din ng dalawa na nakakatanggap sila ng mga pagbabanta sa kanilang buhay.