-- Advertisements --
notre dame 2
The Notre Dame’s 90-meter spire collapsed when the devastating fire broke out.

Binabalot ngayon ng lungkot ang maraming lugar sa buong mundo dahil sa pagkasunog ng Notre Dame, isa sa pinakamatandang Catholic cathedral sa Paris, France at pinakamahalagang bahagi ng kasaysayan.

Ayon sa Paris Fire Department, nagsasagawa umano ng misa sa nasabing simbahan nang bigla na lamang tumunog ang fire alarm sanhi upang unti-unting palabasin ang mga taong dumalo sa misa.

Pinaniniwalaan na may koneksyon ang sunog sa kasalukuyang renovation na isinasagawa.

Ginagawa naman ng mga otoridad ang lahat ng kanilang makakaya upang irekober ang mga mahahalagang artwork at artifacts sa likod ng cathedral na halos ilang daang taon na. Wala namang nai-report na namatay dahil sa insidente.

Ngunit sa kasawiang-palad ay hindi na nailigtas ng mga bombero ang 90-metre spire o ang tulis na nakatutok sa kalangitan at sumisimbolo ng prestihiyoso at mayamang kasaysayan ng Kristyanismo.

Tuwing semana santa naman ay nakagawian na ng simbahan na isapubliko ang ilan sa mga makasaysayang relics ng Kristyanismo.

Kasama na rito ang Holy Crown na pinaniniwalaan ng karamihan na mula sa crown of thorns na isinuot ni Hesus.

Itinuturing naman ni French President Emmanuel Macron na isang malagim na trahedya ng kanilang bansa ang nangyaring pagkasunog.

Nag-anunsyo ito na maglulunsad ito ng international fundraising campaign upang muling itayo ang Notre Dame Cathedral.