Agaw-pansin ang ilang residente sa Makati City, dahil sinamantala nila ang sitwasyon ng baha para makapanghuli ng isda sa highway mismo.
Ginamit nila ang lumang plastic na lalagyan ng paninda para makakuha ng hito at iba pang klase ng isda.
Kwento ng mga residente iluluto nila ito para may mapagsaluhan, kahit binabaha ang kanilang bahay.
Matapos makadakip ng malaking isda ang dalawang bystander, gumaya na rin ang iba pang residente at nakakuha rin sila ng pang-ulam.
Nabatid na nagmula ang mga isda sa umapaw na ilog sa boundary ng Makati at Pasay, kaya naglipana ang mga ito sa kalsada.
Panawagan naman ng local health officials ng syudad, tiyaking malinis ang anumang kinakain dahil posibleng makakuha ng sakit mula sa mga ito.
Ang mga lumikas na residente naman ay bibigyan ng relief supply.