BUTUAN CITY – Libo-libong mga residente na galing sa bayan ng Lemery at Agoncillo sakop sa probinsya ng Batangas ang nag-evacuate dahil sa patuloy na pag alburoto ng Bulkang Taal.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan kay Alyas “Lorrie”, lumipat na ang kaniyang pamilya sa Boron Batangas kung saan mas ligtas umano dahil naharangan ito ng Mt. Maculot.
Inihayag nito na walang bakante na sa mga paaralang ginawang evacuation center sa lumisan na mga residente.
May isinara rin na mga kalsada sa lalawigan dahil sa hindi magandang kondisyun na hatid ng ash fall.
Maliban sa nag alburotong bulkan, ikinababahala rin ng mga residente ang posibilidad na tsunami dahil sa biglang pag-atras ng tubig dagat pati na ang mga pagyanig na nararamdaman halos bawat minuto.
Inihayag pa nito na sa 47 na Bulkan sa Taal Volcano, hindi pa matukoy sa otoridad kung ila o alin sa mga ito ang aktibo.