NAGA CITY – Inilikas na umano ang ilang mga residente na malapit sa lugar na apektado ng wildfire sa California.
Sa report ni Bombo International Correspondent Virgie Contreras, sinabi nitong patuloy ngayong ang ginagawang pag-apula sa apoy sa tulong ng mga helicopters mula sa iba’t ibang grupo.
Aniya, maging ang mga residente na mula sa katabing lugar ay apektado na rin dahil sa masangsang na amoy na nagmumula sa nasabing sunog.
Ayon kay Contreras, bagama’t malaki na ang pinsalang iniwan ng sunog, tila sanay na aniya sa mga ganitong uri ng insidente ang mga tao sa naturang lugar dahil sa halos taon-taon naitatala ang mga wild fires sa California.
Sa kabila nito, umaasa aniya ang mga residente sa naturang estado na makokontrol na ang nasabing sunog dahil maging ang mga operasyon laban sa COVID-19 sa lugar ay apektado na rin.