Higit dalawang daang katao ang inilikas ng mga kinauukulan sa Uson, Masbate dahil sa mga nararanasang pagbaha dulot ng umiiral na shearline sa ating bansa.
Sa datos na inilabas ng Office of Civil Defense 5, umabot sa 209 na katao o katumbas ng 58 na pamilya ang inilikas mula sa dalawang barangay sa Bayan ng Uson, Masbate.
Ang 42 na pamilya o katumbas ng 134 na indibidwal ang lumikas ang lumikas mula sa Brgy. Magsaysay.
Ang mga ito ay pansamantalang nanunuluyan sa San Lorenzo Ruiz Parish, Buenavista, Uson, Masbate.
Umabot naman sa 16 na mag-anak o 76 na katao ang inilikas mula sa Brgy. Buenavista.
Sa ngayon, sila ay nanunuluyan pansamantala sa Uson Evacuation Center/Isolation Facility.
Tinatayang aabot naman sa 267 na mag-aanak ang na apektuhan ng pagbaha sa mga nabanggit na lugar.