-- Advertisements --
coronavirus

BACOLOD CITY – Pinoproblema ngayon ang ilang residente na namumulot ng used face mask at binebenta sa Wuhan, China sa pagpapatuloy pa ng novel coronavirus outbreak.

Sa pahayag ni Star FM Bacolod international correspondent, Chai Roxas, namimigay na sa ngayon ng libreng face mask bilang tugon sa kakulangan na ng supply sa mga pamilihan at namimigay na rin ng mga pagkain mula sa office of the president sa pangunguna ng city leaders.

”Meron na rin ang situation pero open na ‘yong Walmart from 10am to 5pm. And may nakakapasok na rin sa Wuhan, ‘yong boss naman namin sa company nakapasok na kagabi so probably malapit na maging maayos ang lahat, sana malapit na nga,” saad pa ni Roxas.

Dagdag pa ni Roxas na may mga pinapayagan mang makapasok ngayon sa Wuhan pero depende sa pakay o transaction.

Mahigpit pa rin aniya ngayon dahil nakatigil ang operasyon ng public transportation.

Patuloy naman na nagiging alerto at maingat ang mga Pinoy sa nasabing lungsod para sa kanilang seguridad.