LEGAZPI CITY – Apektado na ang ilang mga business establishments sa lalawigan ng Laguna dahil sa makapal na abo na dulot ng pag-aalburuto ng bulkang Taal.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Robert Gonzales, caretaker ng isang resort sa bayan ng Calamba, nagsitakbuhan umano sa takot ang mga costumer nila matapos ang aktibidad ng naturang bulkan.
Kwento pa nito na nagsara na rin ang kanilang negosyo at iba pang kalalapit na resort dahil nagkulay-tsokolate na ang tubig kasunod ng pag-ulan ng abo.
Aniya, halos hindi na rin makita ang mga kalsada dahil sa tindi ng naranasang ashfall.
Dagdag pa ni Gonzales na matinding takot ang kanilang naramdaman matapos ang naranasang mga kulog at kidlat na sinabayan pa ng mga pag-uga ng lupa.
Samantala, mahigpit naman umano ang ginagawang pagpapa alala ng mg lokal na opisyal na iwasan muna ang paglabas ng bahay para sa seguridad ng mga ito.