KORONADAL CITY – Nagpapatuloy sa ngayon ang imbestigasyon ng mga otoridad sa nangyaring umano’y nawawalang ilang sako ng abono na nakaimbak sa Municipal Gym ng bayan ng Sto. Nino, South Cotabato.
Ito ang inihayag ni Mayor Sulpicio Villalobos sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal.
Ayon kay Mayor Villalobos, ipinaalam sa kanya ng in-charge sa mga abonong mula sa Department of Agriculture Region 12 na ipapamahagi sa mga magsasaka sa kanilang bayan na may ilang sako na nawawala sa mga nakaimbak sa municipal gym.
Sa katunayan, inanunsyo pa ng alkalde sa isinagawang flag ceremony ang pangyayari matapos na lumabas ang report kaugany sa umano’y naka-pick-up na kumuha ng abono na nakunan pa ng CCTV footage.
Dagdag pa ng alkalde, sa ngayon ipina-inventory nito ang mga abono sa Office of the Municipal Agriculturist upang ma-account ang higit 6 na libong abono para sa mga magsasaka ng nabanggit na bayan.