Iniulat ng Taiwan Defense Ministry na mayroong namataang ilang sasakyang pandigma na pag-aari ng China sa islang sakop ng kanilang bansa.
Ito ay matapos ang pagpupulong nina Tawainese President Tsai Ing-wen at US House Speaker Kevin McCarthy sa Los Angeles.
Sa isang statement na inilabas ng Ministry of National Defense ng Taiwan ay sinabi nitong mayroong 1 PLA aircraft at 3 PLAN warship ng China ang kanilang na-detect bandang alas-6 ng umaga ngayong araw.
Dahil dito ay inatasan na nito ang Armed Forces ng nasabing bansa na mahigpit na itong imonitor habang inatasan naman ang Civil Air Patrol aircraft, Navy vessels, at land based missile system nito na tugunan naman ang mga aktibidad nito.
Kung maaalala, inakusahan na ng Mainland Affairs Council ng Taipei ang Beijing ng “obstructing trade” sa Taiwan Strait na may mga on-site inspection sa mga kargamento at pampasaherong barko nito.
Habang una na ring sinabi ng Chinese maritime authorities na plano nitong palakasin pa ang kanilang maritime patrols mula sa mainland China ngunit hindi ito nagbigay pa ng karagdagan pang detalye.
Nauna nang sinabi ng mga awtoridad sa pandagat ng Tsina na pinalalakas nila ang pagpapatrolya sa tubig na naghihiwalay sa isla mula sa mainland China nang hindi nagbibigay ng karagdagang detalye.
Bwelta naman ng Mainland Affairs Council, ito ay isang malinaw na paglabag sa cross-strait shipping agreement at maritime practice na magkakaroon ng malubhang masamang epekto sa normal na trapiko sa pagitan ng dalawang panig.