-- Advertisements --
supreme court
Supreme Court

Ipinagpaliban ng Supreme Court (SC) ang oral argment sessions sa kontrobersiyal na Anti Terror Act (ATA) of 2020 dahil ilan daw sa mga mahistrado ng kataas-taasang hukuman ang naka-isolate dahil na rin sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa press statement mula kay Clerk of Court Edgard Aricheta, sinabi nitong hindi muna itutuloy ang oral arguments na naka-schedule bukas ng hapon dahil sa health precaution na dapat sundin ng mga mahistradong na-expose sa pasyenteng covid positive.

Ilan daw sa mga mahistrado ay naka-schedule ring sumailalim sa covid test dahil na rin sa naturang isyu.

Hindi na binanggit kung sino-sino ang mga mahistradong na-expose sa indibidwal na may dinapuan ng covid.

Ang ika-apat na oral argument ay isasagawa naman sa Marso 2 dakong alas-2:30 ng hapon.

“Considering that some of the Justices are on self-quarantine as a health precaution against Covid-19, you are hereby Informed, per instruction of the Honorable Supreme Court, of the suspension of the Oral Arguments scheduled on February 23, 2021,” ani Aricheta.

Kung maala nagsimula ang oral argument sa kada araw ng Martes ng Pebrero at ang abogado ng mga petitioners pa lamang ang sumasalang rito.

Nasa 10 mahistrado na ng SC ang natapos sa pagtatanong sa walong abogado ng mga petitioners at asahang sa susunod na oral argument ay isasalang pa ng limang mahistrado ang mga petitioners bago tuluyang iprisinta rin ng abogado ng pamahalaan o si Solicitor General (SolGen) Jose Calida ang kanyang depensa.

Sa mga nagdaang oral arguments ay sumentro ang usapin sa isyu ng pag-aresto sa mga hinihinalang miyembro ng teroristang grupo maging ang period ng detention ay napag-usapan din.