KALIBO, Aklan—Ipinasara ng lokal na pamahalaan ng Malay, Aklan ang ilang seafood restaurants sa isla ng Boracay dahil sa hindi pagsunod sa permit requirements.
Ayon kay Kathrine Licerio, tagapagsalita ng LGU-Malay na ipinag-utos ni Malay mayor Frolibar Bautista ang pagpasara sa mga ito kasunod sa reklamo ng turistang pinay kasama ang kaniyang dayuhang kasintahan dahil sa umano’y overpriced na pagkain at pamasahe sa electric-tricyle sa isla.
Sa isinagawang imbestigasyon ng LGU-Malay, natuklasan na hindi nag-comply ang nasabing mga establisyimento sa kabila na tatlong beses na ang mga ito napadalhan ng demand letter na ang huli ay noong nakaraang buwan ng Agosto.
Kabilang sa ipinasara ay ang seafood restaurant na kinainan ng magkasintahan sa may D’ Talipapa kung saan, natuklasan na maliban sa kakulangan ng permit ay hindi pa official receipt ang kanilang inisyu.
Ito rin aniya ang karamihan sa violation ng mga ipinasarang business establishments sa Boracay.