-- Advertisements --
image 312

Limitado lang ang oras ng pagbubukas ng mga sementeryo at kolumbaryo sa Taguig City sa araw ng Undas.

Sa Libingan ng mga Bayani, alas-6 ng umaga ito bubuksan at isasara ng alas-6 ng gabi simula October 29 hanggang November 2.

Ayon sa Taguig LGU, 10 ang libingan sa kanilang syudad at karamihan bubuksan ng alas-6 ng umaga at isasara ng alas-6 ng gabi, alas-8 ng gabi, at alas-10 ng gabi.

Pinapayuhan ang mga bibisita sa mga sementeryo na pumunta ng maaga upang hindi mapasabay sa dagsa ng tao.

May COVID-19 pa rin, kayat pinaalalahan ang publiko na magsuot ng face mask bilang karagdagang proteksyon.

Tulad ng dati bawal ang pagdadala sa loob ng sementeryo at kolumbaryo ng nakakasunog na bagay, maiingay na gamit, matutulis na bagay, alak, iligal na droga at, baril.