Ikinalungkot ng ilang mga senador ang nangyaring sunog kaninang madaling araw sa makasaysayang Manila Central Post Office na ideneklarang Important Cultural Property (ICP)
Ang naturang gusali ay itinayo noon pang 1926 na isa sa pinakamatandang gusali at iconic structures ng banda.
Ang Manila Central Post Office ay bahagi na ng kasaysayan na nakaligtas ang istraktura noong World War II.
Ayon kay Senadora Loren Legarda nakakadurog ng puso ang trahedya sa pagkasunog ng makasaysayang gusali.
Nananawagan ang Senadora sa mga otoridad na siyasatin ang tunay na sanhi ng sunog upang hindi na maulit ito sa iba pang historical sites.
Ayon naman kay Senador Sonny Angara bilang Chairman ng Finance Committee sinabi niya nagkaroon na sila ng dayalogo nina Senate President Juan Miguel Zubiri na hanapan ng budget sa budget deliberation ang pagsasaayos ng makasaysayang gusali o ang Manila Central Post Office.
Ani Angara dapat na maibalik ang national treasure na ito na dinisenyo ng national artist na si Juan Arellano.