-- Advertisements --

Kinompronta ng ilang Republican Senator si Secret Service Director Kimberly Cheatle sa Fiserv Forum sa Milwaukee.

Nais nila ng ilang kasagutan ukol sa naging imbestigasyon nila sa tangkang pamamaril kay dating US President Donald Trump.

Dahil sa pagbalewala ni Cheatle ay sinigawan siya ng ilang mambabatas.

Sinabi ni Tennessee Sen. Marsha Blackburn na dapat hindi ipagbalewala ang nasabing pangyayari.

Sinabi naman ni Sen. John Barrasso na hindi dapat manahimik ang Secret Service dahil baka matulad sa kanila ang nangyari sa dating pangulo.

Nangyari ang insidente ilang araw matapos na makapulong ng Secret Service si Trump ukol sa pangyayari matapos na tinangka itong barilin habang nasa campaign rally sa Pennsylvania.