-- Advertisements --

Naniniwala ang ilang senador na lumiliit na ang mundo ni dismissed Mayor Alice Guo at nalalapit na ang panahon na maaaresto na ito ng mga otoridad.

Ginawa nina Senador Loren Legarda at Senador Sherwin Gatchalian ang pahayag matapos ang matagumpay na pagkakahuli sa kapatid nitong si Sheila Guo at sa kanyang kasosyo sa negosyo na si Cassandra Li Ong.

Paliwanag ni Legarda, ang mataas na kapulungan ng kongreso ay magpapatuloy sa kanilang pagdinig hinggil sa mga usaping sangkot ang dating alkalde partikular na rito ang pagkakasangkot ni Guo sa isyu ng ilegal na operasyon ng POGO Hub sa bansa.

Nilalayon aniya ng pagsisiyasat na mapanatili ang pag-iral ng hustisya at ang pananaig ng batas ng bansa.

Kaugnay nito ay kumpiyansa rin si Gatchalian na hindi makapagtatago si Guo at makakatakas sa mga krimen na kanyan umanong na commit.

Aniya, ang matagumpay na pagpapabalik kay Ong at Sheila Guo sa bansa ay isang turning point sa paghahanap ng tunay na hustisya.

Tiniyak rin nito na makakaharap si Shiela Guo at Ong sa pagdinig ng senado dahil mayroon silang outstanding warrant of arrest .