-- Advertisements --
HGYH1
Senate hearing

Nanawagan ang limang senador para magsagawa ng Senate inquiry na hihimay sa performace ng anti-insurgency task force ng gobyerno, gayundin ang paggamit nito sa P19-billion budget ngayong taon.

Inahain nina Senate President Pro Tempore Ralph Recto, Joel Villanueva, Nancy Binay, Grace Poe and Sherwin Gatchalian ang Resolution No. 707 upang hilingin sa kapulungan na alamin kung naging epektibo ang mandato ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) at ang paggamit na rin nito ng nakalaang pondo para sa ahensya.

Ayon sa mga senador, inihain nila ang naturang resolusyon upang mapanagot ang NTF-ELCAC sa kanilang operasyon, kabilang na ang walang basehan na red-tagging sa mga community pantries at ilang indibidwal.

Responsibilidad umano nila bilang mga mambabatas na tiyaking hindi magdudulot ng kapahamakan sa publiko ang mga programa ng gobyerno.

Sa naturang resolusyon, binigyang-diin ng mga senador ang kahalagahan na i-review kung paano ginagamit ng NTF-ELCAC ang kanilang pondo, lalo na’t may hinaharap na COVID-19 pandemic ang bansa.

Giit ng mga mambabatas na ang P19.1 billion appropriation ng ahensya para sa 2021 ay dapat gamitin na lang upang tumulong sa mga Pilipino na higit na nangangailangan ngayong may health crisis.

Paalala ng mga senador na hindi ito ang unang beses na kabi-kabilang reklamo ang ibinato sa NTF-ELCAC dahil sa “baseles” red-tagging nito sa mga indibidwal at grupo.

Bago pa ang mga community pantry organizers, iniugnay na rin ng NTF-ELCAC ang ilang mga celebrities sa komunistang grupo dahil lang sa kanilang pagpapakita ng suporta sa karapatan ng mga kababaihan, gayundin ang mga educational institutions na di-umano’y nagsisilbing “recruitment havens” ng mga rebelde.

“While the establishment of the NTF-ELCAC is, in principle, a good approach to end local communist armed conflict, there have been news reports and stories shared by various citizens on social media showing that members of the NTF-ELCAC have been publicly red-tagging individuals and entities, purportedly to harass and intimidate ordinary citizens,” saad ng mga senador.

“Rather than a bona fide effort to counter insurgencies in the country, the agency’s actions have only served to deter the lawful exercise of the constitutionally-guaranteed right to freedom of expression of every Filipino, and cast doubt as to the true intent behind its operations,” dagdag pa ng mga ito.