-- Advertisements --

Nakapila na ang mga panukalang batas na ipa-file para sa pagpasok ng 18th Congress.

Bahagi na kasi ng tradisyon sa Senado tuwing pagsapit ng Hulyo 1 kada pagpasok ng bagong Kongreso ay naghahain ang mga senador ng mga prayoridad na panukala.

Maghahain ng 10 panukalang batas si Senate President Vicente “Tito” Sotto III at 10 Senate bills ulit sa susunod na linggo.

Base sa nakalap na impormasyon mula sa tanggapan ni Sotto ang ihahaing panukalang batas ni Sotto ay ang:

  1. Medical Scholarship Act
  2. Anti drug Penal Institution
  3. Presidential Drug Enforcement Authority
  4. Dangerous Drugs Court
  5. Sim card registration act
  6. Anti Fake news Act
  7. Increasing Penalty for Perjury
  8. Prevention of Terrorism Act
  9. Hybrid Election Act
  10. 14th month pay law.

Sa panig naman ni Sen. Sonny Angara, nakatakda rin siyang magsumite ng 10 panukalang batas.

Ang prayoridad na panukalang nais ihaian ni Angara ay ang mga sumusunod:

  1. Upgrading Salary GRade Level of Teachers from 11 to 19
  2. Underprivileged Students’ Discount Act
  3. Increasing the Monthly Social Pension of Senior Citizens
  4. Dialysis Center Act
  5. Reso on Dialysis Fraud
  6. Tatak Pinoy Reso
  7. Magna Carta for Seafarers
  8. Magna Carta for Barangays
  9. Comprehensive Anti-Discrimination Act
  10. Zero Hunger / Right to Adequate Framework

Para naman kay Sen. Risa Hontiveros, muli raw nitong ihahain ang panukalang Sexual Orientation and Gender Identity and Expression (SOGIE) Bill na magbibigay ng karapatan at pag-aalis sa diskriminasyon sa iba’t-ibang sexual gender.