-- Advertisements --
Pinag-iingat ng ilang senador ang mga guro sa labis na paggamit nila ng social media app na TikTok kapag-nagtuturo.
Sa pagdinig ng senado sa panukalang budget ng Department of Education (DepEd) sa senado, pinuna ni Senator Francis Tolentino na tila hindi nababagay sa guro gumamit pa ng nasabing app para makapagturo online.
Ayon naman kay Sen. Sherwin Gatchalian na may mga insidente ng inireklamo ang guro dahil sa labis na paggamit nito ng nasabing social media app.
Ipinagtanggol naman ni Sen. Pia Cayetano ang ilang guro na gumagamit ng nasabing social media app at sinabing ito ay isang paraan para maipakita na sumasabay ang guro sa uso.
Subalit hindi aniya ito sang-ayon na ang nasabing social media ay maging pangunahing paraan sa pagtuturo.