Nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ng ilang serye ng lindol na may katamtamang lakas sa lalawigan ng Zambales ngayong araw ng Lunes, Mayo 6.
Ang una sa 4 na pagyanig ay naramdaman sa coastal town dakong 2:29am na may lakas na magnitude 3.5 at may lalim na 53 kilometro.
Na-trace naman ang mas malakas na magnitude 4 na lindol dakong 3:08am sa karatig ng bayan ng Cabangan at may lalim na 14 km.
Sinundan naman ito ng lindol na may lakas na magnitude 3.5 ang Cabagangan bandang 4:03am kung saan naramdaman ang Intensity II sa San Antonio habang Intensity I naman ang naramdaman sa Cabangan.
Niyanig din ng magnitude 2.5 na lindol bandang 5:09am ang bayan ng Cabangan.
Ayon naman sa Phivolcs, walang inaasahang pinsala o aftershocks sa mga naitalang mga pagyanig sa lalawigan.