-- Advertisements --

Inanunsyo ng Maritime Industry Authority (MARINA) na ilang mga shipping companies ang posibleng magtataas ng kanilang rates.

Ayon kay MARINA administrator Robert Empedrad, sa unang dalawang taon ng Coronavirus Disease 2019 pandemic ay hiniling nila sa mga ship owners na huwag munang magtaas ng kanilang rates, na sinunod din naman aniya ng mga ito.

Pero dahil sa ilang serye ng pagsirit ng presyo ng langis sa mga nakalipas na buwan, malaki ang epekto nito sa kanilang negosyo.

Malaking dagok aniya ang oil price hikes sa kanilang gastusin dahil ito ay 40 hanggang 50 percent ng kanilang operational cost.

Aabot sa P25 hanggang P50 ang itataas sa rates ng ilang kompanya.

Gayunman, patuloy silang aapela sa mga magtataas ng kanilang rates na kung maaari ay huwag naman gawing 100 percent kaagad dahil makakaapekto rin ito sa mga pasahero.