CAGAYAN DE ORO CITY – Dismayado ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) sa ilang shipping lines patungong Camiguin Island.
Inihayag ni Camiguin PDRRMO Chief Jejomar Bollozos na walang mga septic tank ang ilang mga barge at Ro-Ro vessels at nahuli pa ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) Northern Mindanao na itinatapon lang sa dagat ang dumi ng kanilang mga pasahero.
Naniniwala si Bollozos na lumabag ang mga shipping lines sa kanilang mga ordinansa maging sa environmental law ng Department of Environment and Natural Resources.
Sa ngayon, mahigpit na nagbabantay ang Maritime Industry Authority (MARINA) kasama ang PCG sa mga barge na dadaong na walang mga sewerege facility.
Kabilang sa mga sikat na religious site ng isla ay ang walk way sa bayan ng Catarman at ang kanilang mga lumang simbahan.