-- Advertisements --

Nagtulong-tulong ang ilang mga artista para manawagan ng donasyon para sa Philippine General Hospital (PGH) matapos na ito ay masunog nitong madaling araw ng Linggo.

Pinangunahan ng actress na si Anne Curtis ang nasabing panawagan kung saan sinabi nito na personal din ito ng magbibigay ng donasyon.

Nakausap na rin aniya ng kaniyang foundation na Dream Machine ang mga personnel ng PGH tungkol sa donasyon.

Hinikayat naman ang TV-host actress Karla Estrada ang kaniyang mga fans na mag-donate rin sa PGH.

Ilan sa mga humingi ng tulong sa kanilang mga followers at fans ay sina Heart Evangelista, Andrea Torres at Ria Atayde.