-- Advertisements --

Maghihigpit na rin ang mga simbahan dito sa Metro Manila sa mga dadalo ng misa tuwing linggo sa pagsisimula ng Alert Level 4.

Sa kani-kanilang mga social media account ay nagpost ang mga iba’t-ibang simbahan ng mga panuntunan na naaayon sa IATF ng ipatupad ang Alert level 4 simula September 16.

Base sa nasabing panuntunan na 10 percent lamang ang papayagan na makapasok sa loob ng simbahan at tanging mga fully-vaccinated na lamang ang ito.

Ihihiwalay ang mga hindi naman nabakunahan at sa labas lamang sila puwedeng makinig ng misa.

Nagpaalala ang mga pari na dapat dalhin ang kanilang vaccination card bukod pa sa pagsuot ng facemask at faceshield.

Maraming mga deboto naman ang pumabor sa nasabing hakbang dahil sa mahalaga ang pagkakaroon ng misa ngayong panahon ng pandemiya.