Hindi nakaligtas sa baha ang mga simbahan sa Metro Manila, matapos malubog din ang mga ito sa maruming tubig.
Nabatid na umaga pa lang ay mataas na ang baha sa San Antonio de Padua Parish at Most Holy Redeemer Parish – Masambong.
Lalo pa itong lumala nang muling bumuhos ang malakas na ulan bandang tanghali.
Ang mga upuan at religious materials ng naturang simbahan ay naglutangan na lamang.
Samantala, simbahan naman ng Holy Family, Quezon City ay pansamantalang ginawang evacuation area.
Nabatid na ang ilan ay magsisimba lang sana ngunit hindi na nakaalis dahil sa pagtaas ng tubig sa paligid ng simbahan.
Naghanda na lang ang ilang opisyal ng parokya para sa pagkain nila at ng mga lumikas.
May mga bata ring dinala sa gusali kaya kanya-kanyang puwesto na lang ang mga parokyano ng local churches sa Quezon City.