-- Advertisements --
Nagkansela ng misa ang ilang mga dioceses sa Metro Manila dahil sa coronavirus outbreak.
Ayon sa Catholic Bishop Conference of the Philippines, ilan dito ay ang Manila, Pasig, Cubao, Novaliches at Parañaque at diocese of Kalookan.
Sinabi ni Bishop Robert Gaa ng Novaliches, nagiging maingat lamang sila para hindi na kumalat pa ang virus.
Simula March 15 hanggang 21 naman isasara ng Parañaque diocese na suspendido ang misa.
Nilinaw naman ng mga opisyal ng simbahan na bukas ang kanilang simbahan.
Nagpasya rin ang mga archdiocese at tatlong dioceses sa Metro Manila na isagawa ang arawang misa sa pamamagitan ng Facebook Live.