Sinangayunan ng Department of Health ang panukala ng mga vaccine experts sa bansa na dapat gamitin ang iba’t-ibang simbahan sa bansa na gawing vaccination center.
Sinabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire na naging maganda ang suhestyon ng National Immunization Technical Advisory Group para mapabilis ang pagpapabakuna sa mga tao laban sa COVID-19.
Dagdag pa ng DOH official na ang mga simbahan ay well-ventilated kaya mainam na gawing vaccination centers ang mga ito.
Ang nasabing rekomendasyon ay kailangan pa ng pag-apruba mula sa pandemic task force ng gobyerno.
Magugunitang inanunsiyo na rin ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na sang-ayon silang maging vaccination center ang mga simbahan.
Nauna ng ginagamit ngayon ng DOH ang ilang establishimento gaya ng mga malls mula sa iba’t-ibang local government units.