-- Advertisements --
Stephanie Lydia de Vega Mercado Koeningswarter
Stephanie Mercado-Koeningswarter

Todo ang pasalamat ngayon ng pamilya De Vega-Mercado sa pagbuhos ng mga nakikiramay, nagdarasal sa pagpanaw ng dating Asia’s fastest woman, Lydia de Vega Mercado.

Sa pagbisita ng Bombo Radyo sa Heritage Park sa Taguig City kung saan nakaburol ang labi ay patuloy ang pagdating ng mga bulaklak ng pakikiramay.

Ilang mga sports personalities na rin ang bumisita katulad na lamang ng swimming legend na si Akiko Thompson-Guevara, Elma Muros, bowling great PSC Commissioner Bong Co, dating taekwondo champ Monsour del Rosario at iba pa.

Liban nito sa kuwento ng anak ni Lydia na si Stephanie Mercado-Koeningswarter, patuloy naman daw ang ugnayan niya sa mga dating nakasama ng kanyang ina sa Project Gintong Alay, kung saan ang namuno noon ay ang mayor na ngayon ng Laoag City na si Michael Keon.

Nang makapanayam ng Bombo Radyo si Stephanie, naikwento nito ang ilang pangyayari na dinaanan ng kanyang ina.

Bagamat 2018 pa nalaman ang sakit sa breast cancer ay sila lamang na pamilya ang sinabihan dahil sa baka raw mag-alala ang iba.

Sa nakalipas na apat na taon ay nakontrol ang sakit ng tinagurian dating sprint queen at sports darling ng bansa.

Pero nitong taon daw ay naging agresibo na ang pagkalat ng cancer cells at nagkaroon na ng mga komplikasyon si Lydia.

Ayon kay Stephanie, inabot din umano ng mahigit sa isang buwan sa pagamutan ang ina hanggang sa lomobo ang hospital bills.

Kaugnay nito, labis naman ang pasasalamat niya sa mga sumuporta sa kanila, nakiramay at nagdasal.

lydia de vega heritage

Samantala, nang matanong pa ng Bombo Radyo, ipinaabot ni Stephanie ang mensahe sa mga kabataan ngayon, kung bakit dapat maging inspirasyon si Lydia de Vega

Kung maalala ilan sa mga highlights sa career ng Philippine Sports Hall of Famer na si De Vega, siya ay 2-time Olympian (1984, 1988); Asian Games gold medalist (1982, 1986) at Southeast Asian Games gold medalist ng limang beses (1981, 1983, 1987, 1991, 1993).

Samantala sa darating na Miyerkules ay nakatakdang ihatid sa huling hantungan si Diay doon sa Meycauayan, Bulacan.