-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Nasira ang maraming mga bahay sa bahagi ng Barangay Sibonga, Kadingilan, Bukidnon na epekto ng 5.9 magnitude na lindol kagabi.

Ito ang kinumpirma ni Kadingilan Local Disaster Risk Reduction Management Officer (LDRRMO) Sheen Therese Romo sa naging panayam ng Bombo Radyo.

Sinabi ni Romo na maliban sa mga bahay, nasira rin ang kanilang musipyo, barangay hall ng poblacion at maging ang kanilang simbahan ay may bitak.

Nawalan umano ng malay ang isang estudyante ng matamaan ng debris, sugatan ang isa pa ng matamaan ng natumbang bahay at may isa rin na na-trauma sa insidente.

Dinala na sa ospital ang naturang mga biktima.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang isinagawang paglilibot sa lugar ng LGU upang malaman ang kabuuang danyos sa tumamang lindol.