-- Advertisements --

Sugatan ang ilang sundalo ng US matapos ang rocket attack sa Al-Asad Airbase sa Iraq.

Kinumpirma nito ng isang military official ng US kung saan ang rocket attack ay laban sa US at kaalyado nito.

Naganap ito sa kasagsagan ng tensiyon na nagaganap sa Middle East.

Ilang araw din ng ipag-utos ni US Defense Secretary Lloyd Austin ang dagdag na military assets sa rehiyon na nagpadala ng carrier strike group, fighter squadron at dagdag na warship sa Middle East.

Una ng nagbabala ang US na magkakaroon ng paglala ng tensiyon kapag isinakatuparan ng Iran ang kanilang banta na sila ay gaganti sa pagkamatay ng isa nilang commander ilang araw na mapatay ang Hezbollah lider.