Inilabas ng Taliban force ang video ng walang awang pinagpapatay nila ang nasa 22 Afghan Special Forces matapos ang naganap na labanan sa Dawlat Abad sa Faryab province.
Naganap ang insidente noong Hunyo 16 kung saan nagkaroon ng labanan sa pagitan ng Taliban fighters at Afghan forces sa border ng Turkmenistan.
Naubusan umano ng mga bala ang mga Afghan troops at ng mapalibutan na sila ng mga Taliban fighters ay doon na sila pinagpapatay.
Pinipigilan pa raw ng mga tao sa lugar na huwag patayin ang mga sundalo subalit hindi nakinig ang mga Taliban fighters.
Kinumpirma naman ng Red Cross na kanilang narekober ang bangkay ng 22 commandos.
Kasama rin na ipinakita sa video ang pagkumpiska ng mga Taliban sa mga military truck ng Afghan forces.
Nabahala naman ang Amnesty International sa UK dahil sa ang pangyayari na baka lalong magdulot ito ng malaking kaguluhan sa lugar.