-- Advertisements --
NAGA CITY – Hati ang paniniwala ng mga supporters ni Vice President Leni Robredo na tatanggapin nito ang alok ni Presidente Rodrigo Duterte na maging drug czar.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay former Naga City Councilor Julian Lavadia, para sa kanya naniniwala silang magagampanan ng mabuti ni Robredo ang nasabing responsibilidad.
Aniya, pagkakataon na ito Robredo para maipakita na kaya nitong makontrol ang iligal na droga sa bansa katuwang ang iba’t ibang ahensya.
Ngunit ayon kay Lavadia, pwede rin itong maging disadvantage sa bise presidente lalo na kung may ibang agenda ang Malacanang sa likod ng nasabing hakbang.
Sa ngayon nakaabang lamang aniya sila sa magiging desisyon ng bise presidente.