Makalipas ang 11 araw mula ng tumama ang malakas na 7.8 magnitude na lindol sa Turkey at Syria na itinuturing na isa sa 10 deadliest sa nakalipas na 100 taon, nasagip ang ilan pang survivors mula sa mga gumuhong gusali.
Kabilang sa nailigtas ng Turkish rescuers ang isang 17 anyos na batang babae na si Aleyna Ölmez na tinawag na “miracle girl” at isa pang babaing survivor na nasa 20s mula sa gumuhong gusali.
Marami naman sa mga apektadong lugar ay nangangailangan ng agarang tulong sa gitna ng hamon dulot ng napakalamig na klima, kawalan ng pagkain, maiinom at palikuran kung saan pinangangambahan na magdulot ito ng sakit.
Una ng umapela si UN Secretary-General Antonio Guterres ang international community ng $1 billion para sa mga biktima ng lindol.
Ayon sa mga opisyal at medics, nasa mahigit 34,000 katao na ang nasawi sa Turkey habang nasa 3,688 naman sa Syria dahilan para umakyat pa sa 41,732 katao ang kumpirmadong bilang ng mga nasawi.