-- Advertisements --

Ibinunyag ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Jaime Santiago na nag-alok ng P5.1 million ang umano’y supervisor ng isang scam hub na sinalakay ng kanilang operatiba kapalit ng kalayaan ng mga naarestong 17 Chinese national.

Ayon kay Santiago, nag-alok ito ng tig P300,000 sa kada ulo ng mga naarestong Chinese nationals habang ibinabyahe ang mga ito ng NBI.

Ang naturang bilang ng mga indibidwal ay naaresto sa isang scam hub na nag-ooperate sa lungsod ng Parañaque.

Kaagad naman silang nagsagawa ng entrapment operation at nagkunwari silang pabor sa naturang alok.

Bitbit ng umano’y Chinese supervisor ang P1.5 million bilang paunang bayad sa limang indibidwal.

Matapos ang matyagang pagmamanman, matagumpay nilang naaresto ang umano’y supervisor.

Sumailalim na rin sila sa kaukulang inquest proceedings.