-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Nagtayo ang ilang mga estado ng pansamantalang voting precinct sa Estados Unidos upang makaboto ang mga mamamayan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Bombo international correspondent Daniel Guden, itinayo ang mga temporary voting precincts sa mga pampublikong lugar lalo na sa mga parking space sa Las Vegas, Nevada upang bigyang-daan ang mga tao na makaboto at pagkatapos umano ng halalan ay kaagad na itong kukunin.

Inihayag nitong naging maaga ang pagboto ng mga tao sa pagitan nina US President Donald Trump at former vice president Joe Biden upang sa gabi ng Nobyembre 3 ay malalaman na kaagad ang mga mananalo.

Nabatid na pawang Democrats ang mga tao sa Nevada, kung saan mayroon itong 6 na electoral votes.

Tatlong paraan ng pagboto ang isinasagawa ng mga tao na kinabibilangan ng in-person voting; mail-in voting o sa pamamagitan ng e-mail; at online absentee voting na para sa mga sundalo, pulis at iba pang enforcement agencies.

Batay sa latest census, nasa mahigit 90,000 Pinoy ang kasalukuyang nakatira sa naturang estado.