GENERAL SANTOS CITY – Kahit na tamaan na ng virus lalo na ang ilang mga Pinoy sa Italy ay hindi pa ito basihan para kunin ng ambulansiya ang isang pasyente.
Maliban na lamang kung grabe na ito at dadalhin na sa pagamutan.
Ito ang iniulat ni Bombo international correspondent Sally Garcia Flores na 27 taon ng nasa Milan, Italy.
Ayon pa rito, hindi lumalabas ng bahay ang mga Pinoy dahil takot sa multa kung mahuli na nasa labas ng bahay.
Umiiwas na lamang at hindi lalabas ng bahay para hindi mahuhuli at pagbayarin ng multa.
Dagdag pa ni Flores, bawat mahuhuli ay pagbabayarin ng 400 hanggang 3,000 Euro o katumbas ng P22,000 hanggang P168,000 depende sa ginawang kaso.
Dahil sa lockdown hindi makayanan ng mga Pinoy ang nasabing multa bagamat apektado sa ipinatupad na lockdown.
Naawa umano si Flores sa mga Pinoy doon na apektado dahil sa ipinatupad na “no work no pay” scheme.