Hanggang ngayon ay wala ring kumukuhang mga team sa ilang magagaling at top NBA players habang magsisimula na ang trainig camp ng mga koponan bago ang pagbubukas ng bagong season sa buwan ng Oktubre.
Kabilang umano sa mga nakabitin pa rin at wala pang kasiguraduhan kung makakalaro muli sa NBA ay sina Montrezl Harrell na dating tinanghal na Sixth Man of the Year. Si Harrel ay huling naglaro sa Charlotte Hornets.
Nandiyan din si Carmelo Anthony, na itinuturing na kabilang sa elite shot-makers kung saan hindi na ni-renew ng Los Angelels Lakers.
Nakatengga pa rin naman si Eric Bledsoe ng Portland Trail Blazers, DeMarcus Cousins ng Denver Nuggets, Avery Bradley ng Lakers, LaMarcus Aldrige ng Nets, Dennis Schroder ng Houston Rockets, Isaiah Thomas ng Charlotte, Lou Williams mula sa Atlanta hawks at si Dwight Howard ng Lakers.
Ilan sa mga sports analysts ang nanghihinayang sa mga nabanggit na mga players dahil meron pa raw ibubuga ang mga ito.