-- Advertisements --
Apektado ang ilang transmission line sa Mindanao bunsod ng epekto ng bagyong kabayan.
Base sa monitoring nitong alas-10 ng umaga ng Disyembre 18, mayroong isang transmission line na 69kv ang nananatiling unavailable.
Kaugnay nito pinakilos na ng National Grid Corporation of the Philippines ang kanilang line crews at kasalukuyang nagsasagawa na ng pagpapatrolya para mag-inspeksyon at i-assess ang epekto ng bagyo sa kanilang mga operasyon at mga pasilidad.
Isinasagawa din ang tuluy-tuloy na restoration activities sa mga lugar na apektado.
Samantala, bahagyang naibalik ang suplay ng kuryente sa mga sinusuplayan ng Davao Oriental Electric Cooperative (DORECO) sa parte ng Davao oriental kaninang 6:51 am.