-- Advertisements --
Hindi available ang ilang transmission lines ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) dahil sa epekto ng bagyong Aghon
Kabilang sa mga ito ang Palanas Cara-Allen 69kV Line mula kaninang 4:54am kung saan apektado ang mga customer ng Norsamelco.
Gayundin ang Paranas-Quinapondan 69kV Line mula kaninang 1:18am kung saan apektado ang mga customer ng ESAMELCO.
Kaugnay nito, pinakilos na ng NGCP ang line crews nito at kasalukuyang nagsasagawa na ng pagpapatrolya para inspeksiyunin at i-assess ang epekto ng bagyo sa operasyon at mga pasilidad nito.
Nagsasagawa na rin ng tuluy-tuloy na pagbabalik ng suplay ng kuryente sa mga lugar na accessible na.