-- Advertisements --

Hindi umano kontento ang grupo ng mga nasa transportasyon sa ginawang pamamahagi ng gobyerno ng fuel subsidy.

Sinimulan kasi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pamamahagi ng P7,200 na fuel subsidy sa 136,000 units ng mga public utiliy jeepney.

Matatanggap aniya ang mga ito sa pamamagitan ng kanilang Pantawid Pasada Program Card.

Maari lamang gamitin ang nasabing mga card sa iba’t ibang gasolinahan at hindi ito puwedeng i-withdraw.

Sinabi naman ni PISTON National President Mody Flroanda na masyadong maliit ang bilang ng mga benipesaryo ng fuel subsidiy.

Ang magandang solusyon aniya ay ang tuluyang pagbaba ng presyo ng langis at pagtanggal sa value-added tax at excise tax na ipinataw mula sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion Law.