-- Advertisements --

Humihirit ang mga transport group ng provisional fare increase sa mga pampasaherong jeep.

Ito ay kasunod ng nakabinbin na petisyon nila sa Land Transportation Frachising and Regulatory Board (LTFRB).

Nais ng grupo na kahit P2 na dagdag pasahe hanggang hindi pa napagdedesisyunan ng LTFRB ang hirit nila na P5 na dagdag sa minimum fare.

Sinabi naman ng LTFRB na baka sa Abril ay mailalabas na nila ang desisyon sa petisyon kung saan pag-aaralan muna nila ang magiging epekto nito sa mga mananakay ganun din sa ekonomiya.