Iginiit ng grupong Pasang Masda na wala na dapat na extension sa nakatakdang December 31 na deadline sa Public Utility Vehicle modernization program.
Ayon kay Obet Martin Presidente ng Pasang Masda na ang nasabing jeepney consolidation ay makatutulong para mas maging maayos ang operasyon ng transport sector sa bansa.
Dagdag pa ni Martin na mayroon ng nagsabi na miyembro nito na naging maayos ang operasyon m dahil may sarili itong dispatching, tamang maintenance ng mga sasakyan.
Pinabulaanan din ng grupo ang pahayag ng anti-modernization groups na walang kita ang mga kooperatiba, at sinabing bukod sa loan mula sa mga bangko ay makakukuha pa ng 20% subsidy kada unit mula sa pamahalaan.
Sa ngayon, umabot na sa 70% ang nakapag-consolidate para sa naturang programa.
Samantala, nauna nang inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi palalawigin ang PUV consolidation matapos ang itinakdang petsa na December 31.