-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Dismayado ang ilang mga namamasada ng tricycle sa Cauayan City sa naging State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos dahil hindi umano nila narinig ang fuel subsidy na para sa kanila.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Jojo Mallillin, tricycle driver sa Cauayan City, sinabi niyang sila ang isa sa pinakanaapektuhan noong pandemya at pinakanangangailangan ng ayuda ngunit wala man lang umanong naging tugon ang pangulo ukol dito.

Aniya, marami na sa kanilang mga kasamahan ang tumigil na sa pamamasada dahil sa mahal na presyo ng gasolina kaya dapat lang naman sana na bigyan sila ng tulong.

Hirit pa nila na mabuti pa ang mga jeepney, bus at van dahil nakatanggap sila ng fuel subsidy samantalang wala sa kanilang mga tricycle driver ay wala silang natanggap.