-- Advertisements --

Pitong Filipino seafarer ang inaresto sa United States sa nakalipas na anim na buwan dahil sa kasong child pornography.

Ito ang kinumpirma ng Philippine Embassy sa Washington sa isang pahayag.

Ayon sa embahada, ang nasabing mga indibidwal ay inaresto dahil sa possession and transportation of child pornography.

Hindi naman ibinigay ng embahada ang pangalan ng pitong Pilipino.

Kaugnay nito, hinimok ng embahada ang mga manning agencies na tumulong sa pagtugon sa paggamit ng child pornography sa mga manggagawa sa cruise ship.

Ayon kay Labor Attaché Saul De Vries, ang Pilipinas ay isang masugid na tagapagtaguyod ng mga hakbang laban sa online sexual exploitation of children.

Giit ng opisyal, dapat malaman ng mga marino ng Pilipinas ang tungkol sa mga panganib ng child pornography, na itinuturing na isa sa mga pinakamasamang anyo ng pagsasamantala sa bata.

Nagbabala si De Vries sa matinding kahihinatnan para sa sinumang lalabag sa mga batas ng US tungkol sa paggawa o pag-promote ng child pornography.