Patuloy pa rin na nagmamatigas si US President Donald Trump na tanggapin ang kaniyang pagkatalo sa US elections.
Dahil dito, gumawa na ng hakbang ang kampo ni presumptive US President Joe Biden kaugnay sa transition plans.
Mula sa iba’t ibang sources, may nangyayaring pag-uusap umano o tinatawag na backchannel communication sa transition team ni Biden at mga opisyal ng Trump administration.
Ngunit nilinaw ng source na ang nangyaring komunikasyon ay walang kaugnayan sa gagawing replacement sa proseso ng formal transition.
Kinakailangan lang aniya na malagdaan ng administrator ng General Services Administration ang letter of “ascertainment” na nagpapatunay na nanalo si Biden sa halalan upang masimulan na ang formal transition process.
Pinag-uusapan na umano ng dalawang kampo ang may kaugnayan sa logistics at hindi sa polisiya.
Isang opisyal naman ng White House ang nagsabi na ang kasalukuyan at dating mga opisyal ng Trump sa White House ay nakikipag-ugnayan sa transition team ni Biden upang mag-alok ng tulong.