-- Advertisements --

Tahimik na lumalapit at nag-reach out umano sa team ni presumptive US President Joe Biden ang ilang mga opisyal na bahagi ng Trump administration kasama na ang ilang mga political appointee na nag-resign sa kanilang tungkulin.

Ang nasabing hakbang ay isang palatandaan na nabigo umano si US President Donald Trump na magkaroon ng matibay na kasangga mula sa administrasyon.

Joe Biden VP

Ito ay may kaugnayan pa rin sa pagtanggi niya na tanggapin ang resulta ng halalan at ang patuloy na ginagawa nitong pagharang kay Biden sa White House.

Hanggang ngayon, si Biden at ang kanyang team ay nananatiling wala pa ring access sa mga contact sa mga federal agencies, pagpopondo para sa government hiring ng bagong administrasyon at pag-access sa mga intelligence briefings.

Ngunit, may mga dating opisyal umano ng White House ang nagpadala ng sulat sa kampo ni Biden at nagtatanong kung paano sila makakatulong na magkaroon ng access sa loob ng Palasyo.

Kinikilala naman ng senior adviser ni Biden ang kagustuhan nilang tumulong ngunit tumanggi na magbigay pa sila ng komento.