-- Advertisements --
Department of Agriculture 1

Pinag aaralan ngayon ng Department of Agriculture ang ilang mga pananim na tolerant o kayang magtagal sa matinding init na posibleng mangyari sa darating na El Niño.

Dagdag pa dito ay ang ilang techniques na gagamitin sakaling magkaroon ng kakulangan sa patubig sa mga pananim.

Ayon kay Department of Agriculture Assistant Secretary Arnel De Mesa, bukod sa palay na pangunahing pangangailangan ay mayroon ring mga basic commodities na maaaring maitanim sa kabila ng matinding init.

Inaasahan naman na magkakaroon ng apekto itong El Niño sa presyo ng ilang mga bilihin dahil na rin sa posibleng maidulot ng matinding init sa mga pananim.

Mayroon namang paghahanda ang Department of Agriculture na solusyon ito ay ang tinatawag na cloud seeding operations sa mga lugar na lubhang maaapektohan ng El Niño.

Ito ay isang scientific technique na gagawing alternatibo upang mabawasan an epekto ng mahabang panahon ng tag init.

Sa ngayon ay sinisiguro ng ahensya na patuloy parin ang pagsasaka, at nakatugon sila sa maaaring maging epekto nitong El Niño sa agricultural products ng bansa.