-- Advertisements --

Tumangging sumama ang ilang US passengers ng Diamon Princess cruise ship na nakadaong sa Japan sa mga opisyal na sumundo sa kanila para makauwi sa Estados Unidos.

Ayon sa ilang mga pasahero na tatapusin na lamang nila ang kanilang quarantine period ng hanggang Pebrero 19.

Ilan din sa mga pasahero ang kumuwestyion sa nasabing hakbang ng US kung bakit ngayon lamang sila susunduin kung saan malapit ng matapos ang kanilang 14-day quarantine period.

Sa 400 na American passengers, 40 dito ang positibo sa coronavirus.

Ang mga pasaherong nagpositibo ay dadalhin sa pagamutan sa Japan.

Sinabi ni Director of the National Institute of Allergy and Infectious Diseases Dr. Anthony Faucil, na kapag nakitaan ng virus ang mga pasahero na kanilang ibabalik sa US ay ay agad nila itong i-quarantine sa US.

Dadaan din ang lahat ng mga pasahero ng karagdagang 14-day quarantine period pagdating sa U.S.

Mula pa kasi noong Pebrero 3 ng dumating sa Japan ang barko ay mayroong 355 sa kabuuang 3,700 dito ang nagpositibo sa virus.